Posts

Showing posts from May, 2022

Patawad? Patawad.

Patawad. Sadyang napakahirap sambitin. Sadyang napakabigat hingin. Lalo na sa taong ating nais iparating, Ang salitang Patawad. Sana ay tanggapin. Patawad, Dahil ako ay mahina. Dahil ako ay sadyang nadala, Dahil ako ay nagsamantala, Sa pangyayaring mahirap nang kalimutan pa. Patawad. Dahil hindi ko alam kung paano, Hindi ko alam kung bakit. Pero isa lang ang aking sigurado Ako ay lubhang nakasakit. Patawad, sa nasirang samahan, Sa mga tiwalang tila ba’y natabunan na. Sa pagtinging tila ba ay napalitan na, Ng isang masidhing pagngangalit ng kalooban. Patawad. Dahil ako ay nagkamali. Nakagawa ng isang bagay na di na maitatama pa. Mga bagay na mahirap talagang kalimutan na. Patawad, sa aking nagawa. Sana dumating ang panahon napinakahihintay Ang makamit ang kapatawarang tunay Mula sa taong nagawan ng pagkakasala Sana nga ay makamit na.

Tama na. Tama na?

Nangangamusta ka, pero ikaw ba kinamusta? Nag-aalala, pero inaalala ka ba? Kaibigan mo, pero kaibigan ka ba? O baka naman istorbo, ka lang talaga? Nakakapagod, pero sige lang. Kahit na, magmukha ka na ngang timang. Kaibigan, isuko mo na lamang. Tumigil, kung di ka naman bilang. Ilaan ang lakas para sa sarili. Lumayo, pag-isipan ng maigi. Magpahinga, sulitin ang mga sandali. Sa kapayapaan, ikaw muna mamalagi. Hindi masamang isipin ang iba. Pero dapat unahin ang pansariling aruga. Lumayo kung di dama ang 'yong halaga, Alalahanin ang sarili, tiyak, ito ang magpapaligaya.

Last na? Last na?

Ito na talaga huli.  Sana'y di ako nagkakamali, Sa pagsambit ng mga salita Sarili'y tila ba hinuhuli. Last na ba? O uulitin mo pa? Sure ka na ba talaga? O baka humiling muli sa tala. Itigil mo na. Huwag mo nang ipilit pa. Sa una'y mahirap. Kaya wag kang kukurap. Gulong-gulo, Hilong-hilo. Tama na ba, O uulitin pa? Oo. Hindi. Baka. Ewan.

Friends? Friends. Friends?

There are times na napapaisip tayo kung kaibigan rin ba talaga ang turing sa atin ng mga itinuturing nating kaibigan. Kasi ikaw lang ang nag-eeffort to communicate. Ikaw lang din ang nagbibigay ng effort para makapag boding kayo. Ikaw ang nagsisimula ng mga conversations.   Kung ganito ang setup ng friendship nyo, magdalawang isip ka na. Hindi na yan healthy at baka wala naman kasing friendship to begin with. Baka naman kasi pinipilit mo lang ang sarili mo sa company ng ibang tao na nakikisama lang sayo.  Kaya kung feeling mo that you don’t get the same energy that you’re giving to them, it’s better to cut ties with them. You’re better off without them. Don’t beg for their time. Don’t chase.