Tama na. Tama na?

Nangangamusta ka, pero ikaw ba kinamusta?

Nag-aalala, pero inaalala ka ba?

Kaibigan mo, pero kaibigan ka ba?

O baka naman istorbo, ka lang talaga?


Nakakapagod, pero sige lang.

Kahit na, magmukha ka na ngang timang.

Kaibigan, isuko mo na lamang.

Tumigil, kung di ka naman bilang.


Ilaan ang lakas para sa sarili.

Lumayo, pag-isipan ng maigi.

Magpahinga, sulitin ang mga sandali.

Sa kapayapaan, ikaw muna mamalagi.


Hindi masamang isipin ang iba.

Pero dapat unahin ang pansariling aruga.

Lumayo kung di dama ang 'yong halaga,

Alalahanin ang sarili, tiyak, ito ang magpapaligaya.




Comments

Popular posts from this blog

The Reign of Darkness

Inner Struggle