The Toxic Culture of Invalidating Emotions (Story of My Life)
Bakit nga ba tayo nahihiyang mag open-up ng ating mga nararamdaman? Na satuwing tayo ay nakararamdam ng labis na kalungkutan ay mas pinipili natin itong sarilinin at indahin ng mag-isa. Sa halip na humingi ng tulong, mas pinipili natin itong itago at magsuot ng maskara upang matakpan ang ating tunay na nararamdaman.
When I was a child, aldults usually tend to invalidate my feelings. Kesyo nag iinarte lang daw ako. Na hindi raw bagay sa lalaki ang umiiyak. Na sa tuwing nadadapa, bungon lang at wag ipakitang nasaktan. Nakababawas raw kasi sa pagkalalaki ang pag-iyak.
Sa aking pagtanda, natatak sa isip ko na hindi ko dapat ishare sa iba ang aking emosyon at dapat ikubli ang ano mang kalungkutang nadarama. Kaya nga bihira nila akong makitang umiyak in public at sa aking pagkaalala tuwing may namatay ko lang ito nagawa. Kasi nga feeling ko at natatak na sa isip ko na isang malaking pagkakamali ang umiyak sa harap ng maraming tao.
2019- ang taong sumubok talaga sa akin. Sa halip na humingi ng tulong. Sinarili ko na lang ang bigat na nadarama ko ng mga araw na iyon. I was scared, alone and there were times that I just want to end all my sufferings. Pero buti na lang I met new set of friends. Nagkaroon ako ng distractions. Sobrang nakatulong ito sa akin para makabangon sa kinasadlakang bangin ng kalungkutan. They saved me.
2021- out of nowhere I felt lonely. Nawalan ako ng gana sa buhay. Nawalan ako ng interest sa lahat ng bagay. Nanging iretable ako, moody at mas pinili kong matulog. Siguro sobrang nakaapekto ang pagsurge ng COVID Cases at sa implementation ng mas mahigpit na covid restrictions sa aming lugar. I tried opening up with my closest friend, pero they just invalidate my feelings. As expected. Nasabiham pa nga akong "di ka kasi nagsisimba eh." Kaya mas lalo ko na lang sinarili ang nararamdaman. Wala rin kasing available na medical help dito sa amin kaya di rin ako makapunta sa isang mental health professionals para sa medical advise.
2022- I got COVID. Sobrang hirap. For almost 2 weeks, I am alone. Wala akong lapitan, makausap, mahingan ng tulong. Kaya paglabas ko from Isolation, I traveled. To de-stress at mahanap ang kapayapaan ng isipan. Para makahinga. Pero habang ginagawa ko iyon, I'm alone. Siguro natakot na rin akong ma judge, at masabihang nagiinarte.
Ngayon, I'm recovering. I guess. Pero there are times na bigla na lang akong nakakadama ng labis na kalungkutan at mga bulong na baka gusto mo nang magpahinga.
I'M NOT OKAY. I NEED YOUR HELP. PLEASE SAVE ME.
Comments
Post a Comment